Tuesday, December 27, 2011

Bagong Taon

Kay tagal kong hinintay na dumating ang panahong ito. Sobrang nainip nga ako eh. 'Yong tipong kung pwede lang ay hilain ko na ang araw at buwan para umikot ng dirediretso. Nakakapagod kasi ang taon na 'to. Dagdag pa ang sandamakmak na kamalasan na di ko man sinalo ay tila hinabol naman ako.Ewan nga ba kung ano ba ang dahilan nun. Siguro ako rin mismo. Sobra ata ang "negativism" ko ngayong taon.  Medyo nawala ang pagiging optimismo. Matanda na nga siguro ako kasi naubos na ang pagiging ideyalismo ko. Pero di bale, matatapos na din naman ang taon. At sobrang masaya ako. Di ko man alam ang naghihintay sa akin sa taong 2012, mas papangit ba ang taon ko o gaganda, bahala na si Lord. Basta ang mahalaga ay 'yong tinatawag nila na bagong simula. Gusto ko ng bagong taon na punong-puno ng pagbabago. Bago nga eh!

Alam kong alam mo na ang iniisip ko. New Years Resolution.Tumpak!Pero kailangan pa ba? Eh di ba magugunaw na rin naman ang mundo.Di bale. Kung totoo man 'yon ay
11 months pa naman bago mangyari. Kaya hayaan niyo na akong sabihin ang resolutions ko.

1.di na ko masyado magiging reklamador. kung tiis-tiis dati mas tiis tiis ngayon.
2. di na ko masyado gagamit ng computer. lalo na facebook.
3. ma-iisip na ko lagi.di na ako magiging reactive. magiging responsive na ako.
4. magsisipag na ako sa bahay
5. magbabasa na lagi.
6. iiwas sa gulo
7. di mag seself-pity
8. magiging kuntento na sa kng anong meron
9. magtitipid
10.magiging masayahin na ulit
11.magdidiet ng maayos
12.exercise to da max
13.magte-take ng time to enjoy my friends' company
14. magiging palaban pero marunong makisama
15. di magtatanim ng sama ng loob
16. di na makakalimot magdasal bago matulog

Medyo madami pero kaya yan.

RELATED POST