Sunday, September 13, 2009

Bespren

Genre: Fiction

Huy!!Taba..hehe..Naalala mo pa ba noong mga bata pa tayo. Di ba madalas tayo noong magalaro? Sipa, holen, step,teks,bahay-bahayan, tumbang preso at minsan ay tagu-taguan. Ikaw nga talaga ang bespren ko noon.Kahit magkaiba tayo- lalaki at babae ako – nagkakasundo tayo. Wala tayong pakialam kung sabihan man ng mga kalaro natin na ako ay tomboy at ikaw naman ay bakla. Minsan ayaw nating tumigil kapag naglalaro tayo, kaya tuloy minsan kinikulong ako ni nanay sa bahay. Hmmmp!

Minsan nga, isang gabi, hindi ako pwedeng lumabas ng bahay. Nanonood ako ng T.V.. May bumato sa akin. Ikaw pala ‘yon! Nandoon ka, sa may bintana naming jalousie, hinihintay ako . Nakanigiti ka. At siyempre nginitian din kita. Ikinaway mo ang itong kamay at siyempre ganoon din ang ginawa ko.

“Labas ka..”, sabi mo.

“Di p’wede..maggaalit si nanay “, bulong ko. Sabay silip kay nanay na nanood ng paborito niyang teleserye.

“Sandali lang…May ibibigay lang ako.”

“’Di nga puwede...bukas na lang..”

Sumimangot ka at tumalikod. Lumakad palayo ng bahay namin.

“Sige, kung lalabas ka, lumabas ka na. Pero sandali lang ha.” Sabi ni nanay na noon pala ay nakikinig sa ating usapan.

Patakbo akong lumabas ng bahay at sumigaw, “Taba!”. Lumingon ka. Nanlalaki ang singkit mong mga mata sa tuwa.

“Buti naman at pinayagan ka.”

“Ano ba kasi ang ibigay mo?” tanong ko. Inilabas mo ang batong pamato mo sa larong step.”Ano yan?”tanong ko ulit na kunwa’y himdi alam kung ano ang hawak mo.

“Sa ‘yo nay an bigay ko.”

“Bakit?”

“Basta…Itago mo na lang.”

Pagakatapos ay tuwang-tuwa ako na bumalik ng bahay.

Kinaumagahan, hindi pa man nakapagtoothbrush ng ngipin ko ay dali-dali akong lumabas ng bahay. Nakita kong nilalabas ng inyong mga kasambahay ang inyong mga gamit. Nilapitan kita na bihis na bihis. Itatanong ko sana kun ano ang nangyayari ngnit bago pa man ibuka ang aking bibig ay sinabi mong,”Paalam”, sabay pahid sa luhang bigla na lang tumulo mula sa ‘tong mga mata. “Lilipat na kami ng tirahan . Doon sa Cebu.”

“Nalulungkot ako.”, sabi ko. “Pero magkikita pa naman tayo ulit di ba?”

“Oo naman. Bespren tayo eh.”Sabay apir nating dalawa.

Ngayon, pagkalipas ng labintatlong taon. Nabalitaan ko na nakabalik na pala kayo at parehong unibersidad ang ating pinapasukan.Hinanap kita. Nakita nga kita isang araw na naglalakad. Ibang-iba ka na . Hindi ka na mataba. Lalo kang tumankad. Hindi ka na rin uhugin at napakalinis mo na. Pero kahit nag-iba ka alam ko na ikaw iyon.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa excitement. Halos patakbo akong lumapit sa yo. Kinawayan kita. Ngunit….

Parang tumigil sa pag-inog ang mudo nang hindi mo ako pansinin at nilampasan mo lamang ako.

Iba ka na nga

Ginawa ko 'to sa kalagitnaan ng pag-tratranslate ko ng "Isang Saglit, Munting Ibon" ni Genoveva Edroza Matute sa English na requirement ko sa subject ko na Translation. Na-nosebleed kasi ako sa kae-english ko. hehe. Wala lang ito.Pasaway lang.

RELATED POST

No comments: