Showing posts with label teacher. Show all posts
Showing posts with label teacher. Show all posts

Monday, February 20, 2012

A Teacher's Valentine's Day

My life, since I have become a teacher, has been full of surprises.  Each day has always been full of discoveries - discoveries about my students and about myself also. Last Valentine's Day was no exemption. I just went to school without expecting anything special to happen because I didn't have any special someone at all. I wasn't also expecting any gift from students since I am not an adviser. (It was usually the advisers who receive gifts from students when there is an occasion.) I  am also not a popular teacher. I was just hired by the school this school year, so it goes to show the closeness I have today with my students is incomparable with the years of closeness with their old-time teachers.

So there the day went on. Nothing extraordinary happened.  In the evening, during the JS Promenade, the night also just passed without something special happening.

The next day came.While,everyone(except me) in the Faculty room were excitingly browsing and uploading their pictures in Facebook and I sat on my table making a lesson plan, a girl student of mine from my English-First Year class went straight to my table. She was holding in her hands a Heart stuff with a very small stuff toy and a card that says "HAPPY VALENTINES DAY MA'AM PABLICO". I was so happy because it was unexpected. I told her "THANK YOU!", but she said it wasn't from her and left. I looked at the card and saw the name of the giver. It was from my most hyperactive student "Howard". I smiled.

 Howard is one of those students who always test my patience. He is the one to whom I always say "Keep Quiet" or "Stay on your sit." or "I am getting impatient already so stop". Before that day, I have this thought that he, perhaps, hated me a lot already, but as I have said the life of a teacher is full of surprises and discoveries. And on that day I learned that Howard does not hate me despite the fact that I always reprimand him and that he understands why I am always mad at him. 

You may say that I am so shallow for being so sentimental about this, but you see it is my first valentine gift from a student and the student who gave me the gift made it extra-special. It was so special that I even posted this pic on facebook with a note that says "Of all the people...ang batang lagi ko pang pinapagalitan ang magbibigay ng valentine stuff sa akin...:).."(Of all the people I know, I never thought that the student, to whom I am always mad at will be the one to give me a valentine stuff):


The post got lots of comments.


Sunday, January 8, 2012

Maling Sistema sa DepEd - Ranking Issues

"So, are you running for honors. Do you wanna be a Cum Laude"
 
Ito ang mga salitang narinig ko mula sa bibig  ng aming department head noong ako ay nasa unang taon ng kolehiyo pa lamang. Ano ung Cum Laude? sabi ko sa sarili ko noon. Malay ko ba. Eh hindi ko naman talaga alam 'yon. Wala namang nagsayang ng oras na ipaliwanang sa akin noon bago ako pumasok sa kolehiyo eh.

Hindi ako sumagot. Kumunot lang ang noo ko. Nahalata ng propesor ang aking pagkalito at ipinaliwanag niya kung ano ang ibig sabihin. Matalino naman ako at naintindihan ko kaagad.(haha!yabang ko lang!).Syempre, inisip ko muna kung ano ang aking isasagot. Baka kasi pag sinab kong 'oo' ay isipin niyang ambisyosa ako at 'pag sinabi ko namang 'hindi' eh baka isipin niyang wala akong pagpapahalaga sa pag-aaral, baka babaan pa niya ang grades ko. Pero nung huli sinabi kong "hindi". Kasi nga hindi naman talaga.

Kala ko doon lang iyon nagtapos kasi. Pero hindi pala, kasi nung nagkasabay kami minsan sa pag-uwi sa traysikel ay tinanong niya ak o  ulit. Nanindigan ako sa sagot ko noon. 'Hindi' pa rin ang aking sagot. Parang gusto ko ngang sabihin noon na "Pakialam mo ba ma'am?"Pero syempre, alam kong pambabastos 'yon at ayaw ko rin namang dumating ang araw na karmahin ako at sagutin din ako ng estudyante ko ng ganoon.

Sinabi ni maam kung bakit kailangan kong mag-aral ng mabuti at magtapos ng Cum Laude. Sabi niya marami na daw ngayon ang graduate ng Education pero wala pang trabaho. Mahigpit daw kasi ang sistema ng DepEd sa pagpili. Maliban sa dapat maipasa ang LET,meron ding ranking na tinatawag. Iyong bang iiponin lahat ng credentials ng aplikante tapos 'yong may pinakamataas na puntos siya ang unang makakakuha ng trabaho.Kailangan marami kang sertipiko at mataas ang grado kung gusto mo makaungos sa iba at mag-rank 1.Naintindihan ko naman ang punto ni ma'am.Kaya simula noon nagsunog na ako ng kilay.Marami din akong hinigop na kape.Rebyu.Rebyu.Rebyu....Aral.Aral.Aral. Puyat.Puyat.Puyat.Sali sa org. na 'yon.Sali dito.Hayyy..nakakapagod.

Marami rin naman akong naipon na sertipiko.Nagtapos din akong cum laude. Dumating ang araw ng pagpaparanking. Panlima ako. Hindi na masama. Kasi 'yong rank 1 hanggang 4 sila, matagal nang grumadweyt. Mga 6 to 15 years na sila sa private school.Nakapsok naman ako sa DepEd. Masaya ako. Pero hindi pa naman ako sinuswelduhan ng national government. Local School Board o iyong siyudad pa lang ang nagpapasweldo sa akin. Kumbaga hindi pa ako regular.Maliit lang ang sweldo. Delayed pa kung minsan.Pero tiis lang. Maghihintay ako, sabi ko. Tiyaga lang talaga.

Pero eto ang magandang balita...Regular na ang isa kung kakikilala na mababa ang ranking. Tapos iyong rank 1 hanggang ngayon na sa private school pa rin. Hindi pa nabigyan ng trabaho ng DepEd. Saan ka pa? Principal Empowerment daw kasi. Ah, ganoon pala?So si principal ang may kapangyarihan. Kaya pala, iyong pamangkin niya regular na pati 'yong inaanak at kapitbahay niya.Tapos ung ibang  matagal ng gradweyt at cum laude pa, ayon tatambay tambay sa bahay  o di kaya nagpapakahirap sa kakarampot na sweldo bilang LSB. Astig di ba?

Bakit pa nga ba ako nag-aral ng mabuti?Wala rin naman pa lang saysay iyon. Gusto ko ngang balikan si ma'am ko sa college at sisihin siya kung bakit hindi ko masyado neenjoy ang buhay-university ko at kung bakit ko namiss ang mga lakad ng barkada dahil sa kakaaral. Kasalanan niya din kung bakit ako naging sakitin sa kaka=skip ng lunch at breakfast para lang mapass ag mga requirements. Pero hindi ko magawa kasi alam ko tama naman ang mga sinabi niya. Hindi niya naman kasalanan na mali ang sistema ang DepEd.Hindi naman siya ang boss ng DepEd di ba?Di rin naman siya prinsipal.

Sino nga ba dapat ang dapat sisihin dito?AKO siguro...