Thursday, November 12, 2009

Love at Fashion




Marami sa mga kaibigan ko ang nagsasabi sa akin na napagiiwanan na daw ako ng panahon. Itunutukoy nila ang hindi ko pagkakaroon ng boyfriend. Kasi nga naman halos lahat na ng kaklase ko ngayon at noong hayskul pa ako ay “committed” na. Samantalang ako gagraduate na lang ng kolehiyo, eh, single pa din at NBSB (No Boyfriend Since Birth). I-try ko daw sabi nila. Sa tuwing sinasabi nila ito, naisip ko , So parang damit na lang pala ang relasyon ngayon na susuotin para i-fit o i-try tapos huhubarin kapag hindi nagustuhan. At para na rin pala itong isang “fashion trend” na kapag hindi ka makasabay ay matawag ka na napagiiwanan at laos.


Marami na nga sa mga kakilala’t kaibigan ko ang nasa relasyon ngayon o di kaya naman ay dati ay may karelasyon. Ok lang naman iyon kung sigurado na sila sa kanilang nararamdaman at kung kaya nila i-handloe ang kanilang relasyon na nalalaman ang hangganan ng kanilang maari at hindi nila maaring gawin. Lalo’t higit ok iyon kung kung nalalaman ng kanilang magulang na may “bf” o “gf” sila. Siyempre mas ok k ung naipakilala na sa magulang ang kanilang mga “bhe”, “honey” at “chorva”. Hehe…”Legal” ika nga nila.Ngunit aminin natin, na marami sa kabataan ngayon and itinatago ang kanilang pakikipagrelasyon sa kanilang magulang. Iyon bang kapag nasa date eh patagotago lalo na kung nasa malapit lang ang tita o tito o kung sinomang family friend at kapag pupunta sa date o kapag ginagabi ng uwi dahil sa date ay ginagawang dahilan ang school works. Hindi magandang pakinggan pero totoo ang mga nabasa mo.Naisip ko, Sapat na bang dahilan ang “pag-ibig” para lokohin mo ang magulang mo at magsininungaling ka sa kanila?
Kung ako ang tatanungin mo ay hindi ko rin alam ang sagot. Isa pa, wala rin ako sa posisyon para sagutin ang tanong na iyon .Eh di ba nga napagiwanan na daw ako, NBSB nga eh. Kung sa ingles na pagpapaliwanag pa ay “I haven’t felt what they are feeling right now and I haven’t been into their shoes.”

Pero, anyway, kaugnay ng tanong na iyon ay iba pang tanong, tulad ng - Bakit nga ba naghihigpit ang magulang pagdating sa ganitong bagay? Wala ba silang tiwala sa kanilang anak?

Sa aking pananaw ang mga magulang na naghihigpit ay naninigurado lang na makapagtatapos ng pag-aaral ang kanilang iha o iho bago makipagrelasyon. Gusto kasi nila na mgakaroon sila ng better future. Hindi natin sila masisi kung ganoon sila mag-isip. Mahigpit na nga naman ang kompetisyon ngayon sa pag-aapply ng tabaho, kung hindi ka tapos sa pag-aaral baka sa kangkungan ka damputin. Tapos, kung nakapagtapos ka nga ngunit mababa ang grades o GWA mo mahirap pa rin makapasok sa trabaho, kasi nga marami ang walang trabaho. Siyempre iyong mga employers pipili na nung da best, ‘yong impressive ang resume, tutal marami silang pagpipilian.



Kasama rin sa pinapangrap ng mga magulang na better future para sa kanilang anak ay iyong maiwas sila sa teen-age pregnancy. Aminin man natin o hindi, totoo na maraming teenager ang nabubuntis ngayon. Mahirap nga naman makapagtapos kung may inaalagaan ka bukod sa sarili mo.Lalo na ‘pag may baby kasi kailangan nila ng tender love and care.


Madalas rin maririnig sa mga magulang ang linyang “True love Waits”. I second the motion. May tamang panahon para diyan. Maaring sabihin niyo na dahilan lang iyon ng mga NBSB, kasi wala lang talagang nanliligaw. Siguro nga totoo iyon. Pero hindi lahat sa amin ay iyong tipong hindi naliligawan dahil we have too strong personality. Iyon bang tipo na sobrang talino o sobrang lakas ng personalidad ay hindi makuhang ligawan o kahit lapitan man lang ng mga lalaki. Meron din namang tipong ligawin pero piniling maging single at the moment until the right time comes.
Pero sa isang punto totoo din na dahilan lang ng mga single ang “waiting for the right moment” o “’saka na pag nakapagtapos na”. Marami nga akong kakilala na may gf o bf ngayon ang bumitaw ng mga salitang “Hindi ako magcocommit sa isang relasyon hangga’t hindi ako makapagtatapos ng kolehiyo”. Ang nakakatuwa hindi lang nila isang beses sinabi ang mga iyon. Sobra sobra pa nga sa isang daan. Tapos minsan, dinudugtungan pa ng, “itaga mo pa sa bato”.Ngunit hayon nga. Biglang may nanligaw at boom!, may “bhe” at kaholding hands na sila.


Dalawa lang ang pwedeng explanation sa ganitong pangyayari. Una, ay talagang natagpuan na nila ang pag-ibig. Ikalawa ay hindi lang nila nahintay ang graduation day. Kapag halimbawa ay tinanong ko sila kung alin sa dalawa ang dahilan, marami ang sasagot ng una. Pero sa aking opinion, ito lang naman ay opinion lang, iyong huli ang pinakadahilan nila. Sa tingin ko marami sa kanila ang naimpluwensiyahan ng “trend” at maaring hindi lang nila na-rerealize ‘yon. Maari rin naman na gusto nila ang pakiramdam na may nag-aalaga sa kanila.Iyon bang may nag-reremind sa kanila na kumain na at magpahinga na at higit sa lahat may tumutulong na gumawa ng project..Haha! Pero baka may ilan lang,baka lang naman ha, may iba sa kanila na talagang naudyokan ng barkada na sagutin ang manliligaw. Katulad halibawa ng kalagayan ko ngayon, sinasabihan na nahuhuli na daw at i-try daw.

Tsk…tsk…Sa fashion trend na lang nga ba ngayon maiikukumpara ang pakikipagrelasyon?
Ewan ang sagot ko d’yan. Kapag sinabi ko na oo marami ang sasang-ayon sa akin at marami rin ang mag-rereact negatively. Wala naman talagang iisang sagot. Depende iyon sa tao. Depende sa kanya-kanyang paniniwala. Parang sa relasyon, kanya knyang dahilan ‘yan. Basta ako, ini-enjoy ko ang pagiging single kasi mas nakikilala ko ang opposite sex sa pagiging single. Dahil pwede kang sumama sa kahit sino sa kanila nang walang nagseselos, nalaman mo ang pagkakaiba-iba nila. Atsaka, pwede kang humingi nang tulong sa kahit sino sa kanila.Kasi lahat sila boyprens mo. I mean, boy friends.
RELATED POST

No comments: