Monday, September 14, 2009

Magtitiyaga Ako, Hanggang Magtagumpay

(I Will Persist Until I Succeed by Og Mandino)

Salin ni Shuriken

Magtitiyaga ako hanggang magtagumpay.

Sa silangan, may isang paraan upang malaman ang kahandaan ng isang batang toro sa pakikipaglaban. Bawat-isa ay dinadala sa loob ng ruweda at hinahayaang atakehin ang picador na tinutusok sila gamit ang isang sibat. Pagkatapos, susukatin ang tapang ng bawat toro ayon sa na ipinakita niyang kagustuhang lumaban sa kabila ng hapdi na dulot ng talim. Mula ngayon, kikilanin ko na sa bawat araw, sa parehong paraan ako sinusunubukan ng buhay. Kapag ako’y magtitiyaga, kapag ako’y patuloy na susubok, kapag ako’y hahakbang pasulong, ako’y magtatagumpay.

Magtitiyaga ako hanggang magtagumpay.

Nasa dulo ng paglalakbay at hindi malapit sa simula, ang mga gantimpala ng buhay;hindi ito ipinaalam sa akin upang malaman ko ang bilang ng hakbang na kinakailangan upang maabot an aking hangarin. Sa aking ika-isang-daan na hakbang, maari ko pa ring makasalubong ang kabiguan , subalit sa susunod na liko ng daan, naroon at nakatago lamang ang tagumpay. Hindi ko mababatid kung gaano ito kalapit kung hindi ko tatahakain ang likong iyon ng daan.

Palagi akong gagawa ng hakbang. At kung sakali man ay wala itong maibibigay na pakinabang, hahakbang akong muli’tmuli. Hindi naman talaga mahirap humakbang nang paisa-isa.

Magtitiyaga ako hanggang magtagumpay.

Mula ngayon ay iisipin ko na ang bawat pagsisikap ko sa bawat araw ay tulad sa isang hampas ng palakol sa isang napakalakas na puno ng Acacia. Maaring hindi mayayanig ng unang hampas ang punong-kahoy, maging nang ikalawa,o maging nang ikatlo. Bawat hampas ay maaring mahina at walang kabuluhan. Ngunit, sa huli, ang mga mahihinang hampas na iyon ay mapatutumba rin ang puno.

Itutulad ako sa ulan na nagpapaagos ng bundok; sa langgam na tumatalo sa tigre; sa tala na tumatanglaw sa mundo; at sa alipin na nagtatayo ng piramide. itatayo ko ang aking sarili ng kastilyo sa paraang isang bloke sa bawat oras dahil batid ko na ang maliliit na pagtatangka, kapag inuli’tulit ay makatatapos ng anumang gawain.

Magtitiyaga ako hanggang magtagumpay.

Hindi ko kikilanin ang pagakatalo at aalisin ko sa akong bokabularyo and mga salita at pariralang pagtigil, hindi maari, hindi nagawa, imposible, hindi mangyayari,pagkabigo, hindi magagawan ng paraan, walang pag-asa at pag-atras; sapagkat ang mga iyon ay salita ng mga hindi nag-iisip. Iiwasan ko ang mawalan ng pag-asa, subalit kung patuloy itong sisiksik sa aking isip, magtratrabaho akong maiigi at magtitiis. Hindi ko papansinin ang pagsubok sa harap ko at itutuon ang aking isipan sa aking hangarin, sapagkat nalalaman ko na sa dulo ng desyerto, naroroon ang luntiang damo.

Magtitiyaga ako hanggang magtagumpay.

Aalalahanin ko ang prinsipyo na ang bawat pagkabigo ay may katapat na tagumpay, na may maidudulot na mabuti ang kasawian. Ito’y hindi ko kalilimutan. Magtitiyaga ako habang iniisip na ang bawat kabiguan ko na makapagtinda ay paraan upang sa susunod ay tumaas ang aking pagkakataon na magtagumpay. Ang bawat “hindi” na tugon na aking maririnig ay magpapalapit sa akin sa tugon na “oo”. Ang bawat “simangot” na masasalubong ko ay inihahanda ako sa papalapit na “ngiti”. At ang bawat kasawian na aking makakasalubong ay magdadala ng swerte. Kailangan ko ang gabi, upang kalugdan ko ang umaga. Kailangan kong mabigo ng maraming beses upang magtagumpay.

Magtitiyaga ako hanggang magtagumpay.

Susubok ako ng paulit-ulit. Iisipin ko na ang bawat sagabal sa daan ay isa lamang detour patungo sa aking hangarin at isang pagsubok sa aking propesyon. Magtitiyaga ako at lilinangin ang aking kakayahan katulad ng paglinang ng mandaragat sa kanyang sariling kakayahan sa pamagitan ng pag-alam kunhg paano lalampasan ang nagngangalit na bagyo.

Magtitiyaga ako hanggang magtagumpay.

Mula ngayon ay aalamin ko at i-aapply sa aking sarili ang isa pang sekreto ng mga taong matagumpay sa aking larangan. Sa bawat paglubog ng araw, susubukan kong makapagbenta ng isa pang beses nang hindi iniisip kung nagtagumpay ako o nabigo. Sa tuwing maiisip ko na umuwi na, pipigilan ko ang aking sarili. Magtatangka ako na magwagi at kung ako ay mabigo, muli akong magtatangka. Hindi ko hahayaang matapos ang araw sa kabiguan. Kaya nga, itatanim ko ang binhi ng tagumpay para bukas upang lumamang ako nang higit sa kanila na huminto sa pagtratrabaho dahil tapos na rin ang kanilang oras ng trabaho. Kapag ang iba ay huminto sa kanilang pagsisikap, ang sa akin nama’y magsisimula at ang aanihin ko ay higit na marami.

Magtitiyaga ako hanggang magtagumpay.

Hindi ko hahayaang maging kampante sa aking nakamit na tagumpay kahapon dahil ito ang pinakadahilan ng kabiguan. Kalilimutan ko ang mga nangyari sa nakalipas, masaya man o malungkot, at sasalubungin ko ang bagong araw na may kumpiyansa na ang araw na iyon ay magigiging pinakamagandang araw ng aking buhay.

Hanggang ako ay humihinga, ako ay magtitiyaga. Sapagkat ngayon, alam ko na ang pinaka-prinsipyo ng tagumpay: kung matitiyaga ako nang matagal, ako ay magwawagi.

Matitiyaga ako.

Magwawagi ako.

++++++++++++++++++++

Requirement para sa subject ko na "Translation"..di pa final..i-checheck pa ng teacher ko.hmmm. Ano kaya grade ko dito?

RELATED POST

No comments: