Sulat Sa Filipino

Ito ang mga lathalain at artikulong isinulat ko gamit ang sariling wika.

Bagong Taon


Kay tagal kong hinintay na dumating ang panahong ito. Sobrang nainip nga ako eh. 'Yong tipong kung pwede lang ay hilain ko na ang araw at buwan para umikot ng dirediretso. Nakakapagod kasi ang taon na 'to. Dagdag pa ang sandamakmak na kamalasan na di ko man sinalo ay tila hinabol naman ako.Ewan nga ba kung ano ba ang dahilan nun. Siguro ako rin mismo. Sobra ata ang "negativism" ko ngayong taon.  Medyo nawala ang pagiging optimismo. Matanda na nga siguro ako kasi naubos na ang pagiging ideyalismo ko. Pero di bale, matatapos na din naman ang taon. At sobrang masaya ako...Read More...

Love at Fashion



Buhay sa Iskwater

Mag-iisang taon na rin mula nang lumipat kami ng bahay…sa mas malaki at maayos na bahay. Sariwa pa nga sa aking ala-ala kung gaano ko kasayang ikinakahon ang mga lumang gamit ko. Super Excited!!! Ikaw ba naman ang makaalis sa mabaho, marumi at napakasikip na lugar at lumipat sa higit na malaki at malinis na matitirhan, hindi ka pa ba sasaya nun?..Sigurado, matutuwa ka!!!

Naalala ko pa nga, nung unang gabi ko sa bago kong kwarto, sa sobrang tuwa ko eh hindi ako agad nakatulog...Read More...


No comments: