Ito ang mga salitang narinig ko mula sa bibig ng aming department head noong ako ay nasa unang taon ng kolehiyo pa lamang. Ano ung Cum Laude? sabi ko sa sarili ko noon. Malay ko ba. Eh hindi ko naman talaga alam 'yon. Wala namang nagsayang ng oras na ipaliwanang sa akin noon bago ako pumasok sa kolehiyo eh.
Hindi ako sumagot. Kumunot lang ang noo ko. Nahalata ng propesor ang aking pagkalito at ipinaliwanag niya kung ano ang ibig sabihin. Matalino naman ako at naintindihan ko kaagad.(haha!yabang ko lang!).Syempre, inisip ko muna kung ano ang aking isasagot. Baka kasi pag sinab kong 'oo' ay isipin niyang ambisyosa ako at 'pag sinabi ko namang 'hindi' eh baka isipin niyang wala akong pagpapahalaga sa pag-aaral, baka babaan pa niya ang grades ko. Pero nung huli sinabi kong "hindi". Kasi nga hindi naman talaga.
Kala ko doon lang iyon nagtapos kasi. Pero hindi pala, kasi nung nagkasabay kami minsan sa pag-uwi sa traysikel ay tinanong niya ak o ulit. Nanindigan ako sa sagot ko noon. 'Hindi' pa rin ang aking sagot. Parang gusto ko ngang sabihin noon na "Pakialam mo ba ma'am?"Pero syempre, alam kong pambabastos 'yon at ayaw ko rin namang dumating ang araw na karmahin ako at sagutin din ako ng estudyante ko ng ganoon.
Sinabi ni maam kung bakit kailangan kong mag-aral ng mabuti at magtapos ng Cum Laude. Sabi niya marami na daw ngayon ang graduate ng Education pero wala pang trabaho. Mahigpit daw kasi ang sistema ng DepEd sa pagpili. Maliban sa dapat maipasa ang LET,meron ding ranking na tinatawag. Iyong bang iiponin lahat ng credentials ng aplikante tapos 'yong may pinakamataas na puntos siya ang unang makakakuha ng trabaho.Kailangan marami kang sertipiko at mataas ang grado kung gusto mo makaungos sa iba at mag-rank 1.Naintindihan ko naman ang punto ni ma'am.Kaya simula noon nagsunog na ako ng kilay.Marami din akong hinigop na kape.Rebyu.Rebyu.Rebyu....Aral.Aral.Aral. Puyat.Puyat.Puyat.Sali sa org. na 'yon.Sali dito.Hayyy..nakakapagod.
Marami rin naman akong naipon na sertipiko.Nagtapos din akong cum laude. Dumating ang araw ng pagpaparanking. Panlima ako. Hindi na masama. Kasi 'yong rank 1 hanggang 4 sila, matagal nang grumadweyt. Mga 6 to 15 years na sila sa private school.Nakapsok naman ako sa DepEd. Masaya ako. Pero hindi pa naman ako sinuswelduhan ng national government. Local School Board o iyong siyudad pa lang ang nagpapasweldo sa akin. Kumbaga hindi pa ako regular.Maliit lang ang sweldo. Delayed pa kung minsan.Pero tiis lang. Maghihintay ako, sabi ko. Tiyaga lang talaga.
Pero eto ang magandang balita...Regular na ang isa kung kakikilala na mababa ang ranking. Tapos iyong rank 1 hanggang ngayon na sa private school pa rin. Hindi pa nabigyan ng trabaho ng DepEd. Saan ka pa? Principal Empowerment daw kasi. Ah, ganoon pala?So si principal ang may kapangyarihan. Kaya pala, iyong pamangkin niya regular na pati 'yong inaanak at kapitbahay niya.Tapos ung ibang matagal ng gradweyt at cum laude pa, ayon tatambay tambay sa bahay o di kaya nagpapakahirap sa kakarampot na sweldo bilang LSB. Astig di ba?
Bakit pa nga ba ako nag-aral ng mabuti?Wala rin naman pa lang saysay iyon. Gusto ko ngang balikan si ma'am ko sa college at sisihin siya kung bakit hindi ko masyado neenjoy ang buhay-university ko at kung bakit ko namiss ang mga lakad ng barkada dahil sa kakaaral. Kasalanan niya din kung bakit ako naging sakitin sa kaka=skip ng lunch at breakfast para lang mapass ag mga requirements. Pero hindi ko magawa kasi alam ko tama naman ang mga sinabi niya. Hindi niya naman kasalanan na mali ang sistema ang DepEd.Hindi naman siya ang boss ng DepEd di ba?Di rin naman siya prinsipal.
Sino nga ba dapat ang dapat sisihin dito?AKO siguro...
1 comment:
Best Mobile Casinos of 2021
Best Mobile Casinos of 2021 ✓ Find out the top mobile casino 토토사이트도메인 apps and mobile 강원 랜드 여자 앵벌이 gambling sites at one of the best 바카라게임방법 mobile casinos of 스포츠 토토 라이브 스코어 2021!🔥 Top Mobile Casino Sites🏆 Best Mobile Casino for Slots🏆 Best Mobile Casino for Table Games🎰 Top Mobile Casino App for Blackjack? ➤ Top 뉴 포커 디펜스 Mobile Casino App for Roulette
Post a Comment